PHILIPPINE ARMY SUMASABAK SA JUNGLE, URBAN WARFARE DRILL

MATAPOS ang Balikatan 2024, sumasabak ang mga tauhan ng Philippine Army sa joint tactical at combat training kasama ang Australian Army sa Camp Melchor F. Dela Cruz sa Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Pormal nang sinimulan kahapon ang Philippines-Australia Army to Army Exercise para higit pang mapalawak ang kakayahan ng dalawang hukbong katihan sa larangan ng conventional at non-conventional warfare.

Ayon kay Philippine Army Public Affairs Office chief, Col. Louie Dema-ala, nakapaloob sa sabayang pagsasanay ang paglinang sa kasanayan sa larangan ng Reconnaissance, Mortar, Drone Operations, Logistics, Signal Operations, Jungle at Urban Warfare, Tactical Combat Casualty Care, at Breaching Operations.

Bahagi rin ng pagsasanay ang mga karanasan ng dalawang hukbo sa pakikipaglaban sa mga teroristang grupo.

Humigit-kumulang 100 sundalo naman mula sa 86th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division ang magsasanay kasama ang 50 sundalo mula sa Australian Army.

Napag-alaman na tatagal ang Bilateral Exercise hanggang ika-21 ng Hunyo 2024. (JESSE KABEL RUIZ)

32

Related posts

Leave a Comment