PILA SA ‘PAHALIK’ UMABOT NA SA ROXAS BOULEVARD

ITIM NA NAZARENO

UMABOT na sa bahagi ng Roxas Boulevard ang pila ng mga deboto ng Itim na Nazareno para sa ‘Pahalik’ sa Quiribo Grandstand.

Marami sa mananampalataya ang piniling magpalipas ng gabi grandstand para sa panatang makahalik sa paanan ng Poong Nazareno.

Kaninang 5:30 ng umaga, aabot na umano sa 7,000 ang bilang ng mga deboto na nakapila base sa pagtaya ng Manila Police District.

Naglagay naman ng mga metal at plastic barriers sa Quirino Grandstand para maging maayos ang daloy ng pila.

Mahigit 7,200 pulis naman ang itatalaga sa mga bahaging daraanan ng Traslacion.

8

Related posts

Leave a Comment