POGO BAN IKINASA SA KAMARA

(BERNARD TAGUINOD)

ISINULONG ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para tuluyang ipagbawal at gawing krimen ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas.

Sa House Bill (HB) 10525 o “Anti-POGO Act of 2024” na inihain kahapon ng Makabayan bloc, ipinaliwanag ng mga ito na imbes nakatulong sa ekonomiya ang POGO ay naging dahilan ito ng paglala ng kriminalidad, corruption at banta pa sa seguridad ng bansa.

“POGOs have brought with them a swarm of crimes as testified by countless police raids – rape, murder, illegal recruitment, human trafficking, prostitution, illegal detention, inhumane labor practices, money laundering, and immigration bribery, among many others,” ani ACT party-list Rep. France Castro, miyembro ng Makabayan bloc.

Ang POGO ay pinayagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 2016, dahil makikinabang umano dito ang ekonomiya ng bansa at sa ambisyong gawing gaming capital ang Pilipinas na magiging dahilan ng pagdagsa ng mga turista, pagpasok ng mga puhunan at karagdagang trabaho sa mga Pilipino.

Bagama’t nakakolekta anila ang gobyerno partikular na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng P657 million noong 2016; P3.924 billion noong 2017; P7.365 billion noong 2018 at P8 billion noong 2019 ay hindi ito sapat sa negatibong epekto ng POGO sa lipunan.

“Their supposed economic benefits have also been negligible compared to the social costs they have inflicted on our people and communities. It is high time we put a stop to this social menace,” ani Castro.

Bukod dito, lalong nalagay sa panganib ang seguridad ng bansa nang makakumpiska ang mga awtoridad ng mga baril mula sa ni-raid na POGO hub at uniporme ng Peoples Liberation Army (PLA) ng China.

“We call on our colleagues in Congress to swiftly approve this bill that will protect Filipino families and communities from the proliferation of crimes and social ills brought about by POGOs,” ayon pa sa panukala na inakda nina Castro, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel.

41

Related posts

Leave a Comment