PRESYO NG MANOK SA PALENGKE IMO-MONITOR NG DTI

chic16
(NI BETH JULIAN) 

AMINADO ang pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) na mas mataas ang presyo ng manok sa mga palengke kumpara sa mga supermarket o groceries.

Base sa mga report, aabot sa P150 hanggang P155 ang presyo ng kilo ng manok sa mga palengke na malayo sa suggested retail price na P125 kilo.

Dahil dito pinayuhan na lamang ni DTI Secretary Ramon Lopez, ang publiko na bumili na lamang sa grocery ng manok kung saan umiiral ang SRP.

Umapela naman ang DTI sa publiko na isumbong ang mga abusadong lumalabag na negosyante.

Sinabi ng malihim na malaki ang papel ng lokal na pamahlaaan para mahuli ang mga lumalabag sa SRP.

Maging ang mga lokal na pamahalaan ay dapat ding kumilos dito dahil sila ang nakasasakop sa kanilang mga lugar at may hurisdiksyon na magpataw ng parusa sa mga lalabag.

“Kapag may mahuli silang lumabag dapat ay kumpiskahin o ikansel ang kanilang lisensya, so, pwedeng obligahin ng mga negosyante ang kanilang supplier na ibaba ang presyo, para ma-meet nila ang nararapat na SRP,” ayon pa kay Lopez.

469

Related posts

Leave a Comment