SOLONS NAGLUKSA SA PAGPANAW NI OPLE

NABALOT ng lungkot ang karamihan sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpanaw ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople noong Martes.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi ng mga mambabatas na malaking kawalan sa bansa lalo na sa overseas Filipino workers (OFWs), ang pagpanaw ni Ople sa edad na 61 dahil sa sakit na cancer.

“I offer my sincerest condolences to the family of Secretary Susan “Toots” Ople, and the entire Department of Migrant Workers.

Secretary Ople was a true champion of the Filipino Migrant Workers.

Her passing is a great loss to the entire Filipino nation,” ani House committee on overseas workers affairs chairman Ron Salo.

Si Ople, anak ni dating Senator at Labor Secretary Blas Ople, ang kauna-unahang secretary ng DMW na itinatag para sa kapakanan ng milyon-milyong manggagawang Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Migrant workers, and workers in general, have just lost a great and tireless champion in Secretary Ople. She was the first secretary of the department Congress had created to focus on attending to the welfare of millions of overseas Filipino workers (OFWs),” ayon naman kay House Speaker Martin Romualdez.

Itinatag ni Ople ang Ka Blas Foundation na ang misyon ay tulungan ang mga OFW na may problema sa ibang bansa, labanan ang human trafficking na bumibiktima sa mga Pilipino na nais magkaroon ng trabaho sa ibayong dagat.

“Sa pagpanaw ni Sec. Toots, dala niya ang legasiya ng ilang dekadang pakikipagbaka para sa karapatan ng ating mga OFW, ang tunay na malasakit para sa ating mga bagong bayani, at ang matatag na pamumuno sa DMW na naglatag ng mga polisiya at programang angkop sa pangangailangan ng ating mga migrante,” ayon naman kay OFW Party-List Rep. Marissa Magsino.

“Her commitment, passion and dedication in serving our country, her fellow Filipinos and protecting our Overseas Filipino Workers is truly remarkable and have touched the lives of many,” papuri naman ni ACT-CIS Party-List Rep. Jocelyn Tulfo.

Umaasa naman si Bacolod Rep. Greg Gasataya na ipagpapatuloy ng DMW, lalo na ang papalit kay Ople, ang legasiyang sinimulan nito.

“Her contributions to improve and deliver no-nonsense public service will always be the yardstick in government work. With her work as head of an advocacy group and as chief-of-staff of her late father, she gained deeper and genuine understanding of the concerns of OFWs,” ayon naman sa Nacionalista Party (NP) sa pamamagitan ni Deputy Speaker Camille Villar.

(BERNARD TAGUINOD)

80

Related posts

Leave a Comment