SUPPLY NG TUBIG SA MANDALUYONG PROBLEMA PA RIN

water12

(NI KIKO CUETO)

PATULOY na nakararanas ng problema sa supply ng tubig ang ilang mga residente sa Bgy. Addition Hills sa Mandaluyong City ayon sa pag-amin ng Manila Water.

Gayunman, nilinaw ng Manila Water na ito ay sa mga lugar na matataas ang tirahan o hirap abutin ng tubig.

Ang pahirapan na naman sa supply ng tubig ay sa harap ng pagtiyak ng Manila Water na umaabot na sa 97 percent ng mga customers ang balik-normal na sa tubig.

Ang nasabing service outage ay nakaapekto sa 1.2 million households sa east zone ng Metro Manila, na siyang pinamumunuan ng Ayala-led Manila Water.

Sinabi ni Manila Water corporate communications head Jeric Sevilla na ang mga waterless barangays ay umaasa sa static tanks para sa water supply.

“’Yung naiiwan po yung mga parang pocket areas katulad na lang po ‘yung nabanggit niyo sa Mandaluyong yun. Meron pong pocket areas na generally iyong pinakamataas na lugar,” sinabi nito.

“Mayroon po tayong mga line boosters na ini-install doon kaya po medyo paunti-unti,” dagdag ni Sevilla.

Naunang inihayag ng concessionaire na magpapatupad sila ng consultations “one-time bill waiver scheme” bilang compensation sa water crisis.

90

Related posts

Leave a Comment