TAMBAY HULI SA PAGNANAKAW

HINDI nakapalag ang 33-anyos na tambay nang ituga ng testigo sa pagnanakaw ng grocery items sa loob ng kotse noong Linggo ng hapon sa Peñafrancia Street, Pandacan, Manila.

Nahaharap sa kasong robbery ang suspek na kinilalang si Raniel Bustillo, binata, residente ng Pandacan, Manila.

Base sa ulat na isinumite ni Police Master Sergeant Voltaire Esguerra, ng Manila Police District – Pandacan Police Station 10, bandang alas-2:00 ng hapon nang madiskubre ng biktimang si “Jade”, 37-anyos, negosyante, ng Paco, Manila, na ang binili niyang grocery items ay nawalang parang bula.

Ayon sa ginang, nag-park siya ng kanyang sasakyan sa nasabing lugar at umalis sandali ngunit sa kanyang pagbalik ay nawawala na ang

pinamili niyang sa grocery items na umabot sa halagang P25,000.

Hanggang sa may lumutang na testigo na itinuro ang nasabing suspek. Ayon sa testigo, habang naglalakad siya pauwi nang mamataan niya ang suspek na kinukulimbat ang grocery items sa loob ng Mitsubishi L300 van.

Bunsod nito, agad nagpasaklolo ang biktima sa barangay officials sa lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

(RENE CRISOSTOMO)

202

Related posts

Leave a Comment