TARIPA SA BIGAS TATAPYASAN NG 15%

APRUBADO na ng National Economic and Development Authority (NEDA) board ang pagbabawas sa taripa ng imported na bigas hanggang 2028.

Sa Malacañang press briefing, iniulat ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na sa ilalim ng Comprehensive Tariff Program, mula sa 35% ay ibababa na sa 15% ang taripa sa bigas para makamit ang target na P29 hanggang P39 na kada kilo ng bigas para sa mahihirap na Pilipino.

Ang pagtapyas aniya sa taripa ay inaasahang magdudulot din ng pagbagal ng inflation, na magreresulta para maibsan ang mataas na presyo ng bigas sa mga palengke.

Tiniyak naman ni Balisacan na hindi maaagrabyado ang local rice sector sa ibababang taripa sa imported rice, dahil daragdagan naman ang pondo para sa domestic production.

“The board also agreed to merge these tariff lines on certain chemical and chemical products, textiles, machinery and transport equipment to simplify the tariff structure for more efficient customs administration and improve the ease of doing business,” aniya pa rin.

Inaprubahan din ng board ang rekomendasyon ng CTRM na bawasan ang taripa sa ilang kemikal at coal briquettes para ma- improve ang energy security at mabawasan ang input cost para makatulong na matiyak ang kanilang availability sa reasonableng halaga, sa gayon, suportahan ang mas maraming ‘stable’ na electricity prices at suplay sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

45

Related posts

Leave a Comment