SIGNING CEREMONY NG DAGDAG BONUS SA MGA GURO DINEDMA NI VP SARA

HINDI sinipot ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang signing ceremony noong Lunes sa Malacañang ng RA 11997 o ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act”.

Kapansin-pansin na hindi dumalo si VP Sara, sa halip ay ilang mabababang opisyal lamang ng DepEd ang nagtungo sa Malacañang para saksihan ang pagpirma ng Pangulong Marcos ng nasabing batas.

Layon pa naman ng batas na dagdagan mula P5,000 at gawing P10,000 na kada taon ang bonus ng mga teacher para pambili ng mga gamit sa pagtuturo tulad ng chalk, eraser, at iba pa.

Walang ibinigay na dahilan kung bakit hindi dumalo sa seremonya si Duterte na para sana sa kanyang mga guro, ayon sa Malacañang.

Pero, ayon sa mga mambabatas na naroon na tumangging magpabanggit ng pangalan, marahil ay galit pa rin sa Kongreso si VP Sara sa pagkakaalis ng kanyang confidential at intelligence funds.

Ayaw na ring magbigay ng statement ang Office of the Speaker Martin Romualdez hinggil sa nasabing usapin.

43

Related posts

Leave a Comment