TOURIST VISA EXTENSION APPLICATIONS BUMABA NG 45% – BI

INULAT ng Bureau of Immigration (BI) na 45 porsyento ang ibinagsak ng bilang ng ‘applications for tourist visa extension’ sa taong 2020.

Isiniwalat ni BI Commissioner Jaime Morente, ang Bureau’s Tourist Visa Section (TVS) ay nakapagproseso ng kabuuang 240,276 applications para sa ‘extension of stay of tourists,’ na 44.67 porsiyentong mas mababa sa 434,251 ng parehong aplikasyon na natanggap noong 2019.

Sinabi pa ni Morente, ang pagbagsak ng bilang ay inasahan nila dahil nananatili ang paghihigpit sa mga dayuhan na papasok sa bansa, kasunod ng travel ban na ipinatutupad dahil sa COVID-19 pandemic na nagsimula noong Marso nakaraang taon.

“International travel restrictions remain in place even as we anticipate a gradual lifting of these restrictions this year as the vaccines against COVID-19 begin to arrive,” ayon sa BI chief.

“We hope that the tourism industry will finally rebound at least by the second or third quarter of 2021 and the Philippines will once again open its doors to foreign visitors,” dagdag nito.

Isiniwalat pa ni Morente, dahil sa entry restrictions sa foreign tourists, ang halaga ng visa extension fees ay nakapagtala rin ng pagbaba sa nabanggit na taon.

Ayon pa sa kanya, ang BI’s collection mula sa visa extension fees ay nagkahalaga lamang ng P1.3 billion noong nakaraang taon, na 40 porsyentong mas mababa sa P2.2 billion na kinita noong 2019.

Ang koleksyon mula sa visa extension fees ay isa sa pangunahing pinagmumulan ng kita para sa BI, na kinukonsiderang nagpapahiwatig na ang Pilipinas ay lumalago bilang pangunahing destinasyon ng mga turista sa Southeast Asian region.

Ang pagtaas ng visa extension fee collection ay nangangahulugan na mas maraming foreign tourists ang gustong manatili sa bansa na nag-aambag ng paglago ng ekonomiya ng Plipinas.

“Despite the low numbers for 2020, we remain hopeful that the tourism industry can bounce back this year,” ani Morente.

Ang ‘applications for extension of stay’ ay maaaring i-file sa BI main office sa Manila o saan mang authorized field, extension at satellite offices sa buong bansa. (JOEL O. AMONGO)

33

Related posts

Leave a Comment