TSINOY PATAY SA DRUG OVERDOSE

PINANINIWALAANG nag-overdose ang isang 28-anyos na negosyanteng Tsinoy makaraang matagpuang walang buhay sa tabi ng mga gamot sa kanyang silid sa kanilang bahay sa Sampaloc, Manila noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Joseph Patrick Co y Tolentino ng Tacio St., Sampaloc.

Base sa ulat ni Det. Arvin Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-11:00 ng gabi nang madiskubre ng isang kasambahay ang biktima sa kanyang silid na walang malay at nasa tabi nito ang nagkalat na mga gamot.

Mabilis na isinugod sa St. Luke’s Medical Center ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na may sakit na cancer si Co.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang mabatid kung may foul play sa pagkamatay ng biktima. (RENE CRISOSTOMO)

103

Related posts

Leave a Comment