UNRESOLVED CASES NG MGA PULIS REREPASUHIN – PNP CHIEF

PINARE-REVIEW ni Philippine National Police chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. ang nakabinbin at hindi pa nareresolbang mga administratibong kasong kinahaharap ng ilang mga pulis.

Kasunod ito ng mga pagkuwestiyong natanggap ng Pambansang Pulisya kaugnay sa hindi pa rin pagsibak sa isang tauhan ng Navotas City Police Station na dawit sa mistaken identity incident na ikinamatay ng binatilyong si Jemboy Baltazar.

Ipinasisilip ni General Acorda ang mga administratibong kasong nakasampa laban sa mga pulis na matagal nang nakabinbin.

Pag-amin ni Acorda, sa ngayon ay maraming mga kaso ang naiipon sa National Police Commission na hindi agad nareresolba at naipatutupad.

Nilinaw rin ng heneral na iba-iba ang bilis ng pagresolba sa mga administratibong kaso na kinasasangkutan ng mga pulis. Ani Acorda, depende sa mga dokumento at ebidensya ang bilis nang itinatakbo ng pagresolba sa kaso.

Kaugnay nito, nagpulong aniya sila nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos at National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman at Executive Officer Atty. Alberto Bernardo kaugnay sa hindi pa nareresolbang mga kaso ng PNP.

Sinabi pa ni Gen. Acorda, pinasisilip niya ang lahat ng mga kaso ng mga pulis na nasa NAPOLCOM para ito ay maisalang sa review at matiyak na hindi ito napapabayaan.

Iba-iba kasi aniya ang bilis ng pagresolba sa mga administratibong kasong isinasampa sa mga pulis dahilan kung bakit iba-iba rin ang appreciation sa mga kasong ito dahil nakadepende ang mga ito sa bigat ng kaso at availability ng mga dokumento nito.

Kasabay nito, tiniyak naman ni PNP chief Acorda na patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan kay NAPOLCOM chair at Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. at NAPOLCOM Vice Chairman at Executive Officer Atty. Alberto Bernardo ukol dito.

Bukod sa nasabing isyu ay sinisilip din ng ilang kritiko ang updates sa senior police officers na sinasabing tinanggap na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isinumite nilang courtesy resignation.

Umani ng pagtuligsa ang hindi umano paghahain ng kasong administratibo o kasong kriminal gayung may nakitang katibayan na nasangkot sila sa anomalya, kaya tinanggap ng commander in chief ang kanilang resignation.

Kasunod ito ng mga ulat na natatanggap pa rin ng mga ito ang kanilang mga benepisyo matapos nilang magsumite ng courtesy resignation.

(JESSE KABEL RUIZ)

100

Related posts

Leave a Comment