VALENZUELA, NAVOTAS,1 CALOOCAN AYAW PA SA MGCQ

TINANGGIHAN ng mga alkalde ng mga lungsod ng Valenzuela, Navotas at Caloocan ang pagluluwag sa quarantine restrictions sa kanilang nasasakupan sa gitna ng pagharang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na hayaaan nang lumabas ang mga 10-14 taong gulang sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) simula Pebrero.

Idinahilan nina Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang mga nasasakupan makaraan ang Pasko at Bagong taon, kung bakit hindi sila pabor sa MGCQ para sa kanilang mga lungsod.

Hindi pa umano kumbinsido ang mga dalubhasa sa kalusugan sa Valenzuela na “stable” na ang sitwasyon sa lungsod, ani Gatcahlian, at ganito rin ang saloobin ni Malapitan.

Dagdag ni Gatchalian, dapat munang maisaayos ang kalagayan sa buong Kalakhang Maynila bago isipin ang pagbababa sa restriksyon.

Samantala, nababahala naman sa UK variant ng COVID-19 si Navotas City Mayor Toby Tiangco at nais makuha ang opinyon ng mga dalubhasa dahil mapanganib pa umano sa ngayon na luwagan ang quarantine na posibleng maging mitsa ng pagsirit muli ng mga kaso at pagbabalik sa mas mahigpit na quarantine conditions. (ALAIN AJERO)

35

Related posts

Leave a Comment