VIETNAMESE COUPLE HULI SA PEKENG PASSPORT STAMPS

vietnamese12

(NI FROILAN MORALLOS)

 

KALABOSO ang mag-asawang Vietnamese makaraang maaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa paggamit ng pekeng Immigration stamps sa kanilang mga pasaporte .

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga suspek na sina Nguyen Thanh Quang, 35, at ang assawa nito na si Pham Thi Dung, 34.

Ayon sa impormasyon na nakarating kay Morente, pasakay ang mga ito sa kanilang Philippine Airlines flight papuntang Ho Chih Minh City, nang maaresto noong March 30 sa Terminal 2 ng mga taga Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng Bureau of Immigration .

Nadiskubre ng  anti-fraud section na nagsisinungaling ang dalawa sapagkat nakalagay sa kanilang arrival ay March 11, ngunit nang tingnan sa data  base, hindi sila dumating ng sinasabing araw.

Nabatid ng mga imbestigador na umiwas ang dalawa sa ipapataw na penalty  dahil sa pagiging overstaying kung kaya’t gumamit ang mga ito ng fruadulent schemes para makalusot.

Ayon naman sa pahayag ni BI-TCEU Chief Erwin Ortañez, ang mag-asawang ay nadiskubreng siyam na buwan na sa bansa dahil ayon sa rekord ng BI, dumating ang mga ito noong June 5 ng nakaraang taon.

Dagdag pa ni Ortanez , sa halip na mag-apply ng kanilang extension visa ay nakipag-deal ang mga ito sa mga fixers para makabili ng fake BI stamp sa sindikato.

Nakakulong ang dalawa sa BI detention facilities sa Camp Bagong Diwa , Taguig City , habang dinidinig ang kanilang kaso dahil sa paglabag ng Philippine Immigration Act.

 

79

Related posts

Leave a Comment