WALANG ABISONG PAGKAWALA NG TUBIG SA EAST ZONE BUBUSISIIN

TUBIG

NAIS busisiin ang hindi inaasahang pagputol ng supply ng tubig sa Metro Manila at sinisi ang Manila Water dahil sa kapalpakan.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na dapat imbestigahan ang walang abisong pagputol ng supply ng tubig na ikinataranta ng maraming residente at pagka-apekto ng mga negosyo.

Kasabay ito ng paghingi ng paumanhin ng Manila Water sa mga apektadong residente ng Mandaluyong, Pasig at San Juan mula March 7 hanggang 8.

Iniahayag naman ng Maynilad ang pagkawala ng supply ng tubig mula March 10 hanggang 11 sa ilang lugar sa West Zone coverage na kinabibilangan ng ilang bahagi ng Maynila,

Quezon City (ilang bahagi), Makati (west ng South Super Highway), Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas and Malabon; kasama rin ang lungsod ng Cavite, Bacoor at Imus, maging ang mga bayan ng Kawit, Noveleta and Rosario, sa Cavite.

97

Related posts

Leave a Comment