TARGET NI KA REX CAYANONG
SA panahon ng kagipitan, ang tunay na lider ay hindi nag-aatubiling kumilos upang magbigay ng tulong. Isang halimbawa nito ay si Mayor Kevin Anarna ng Silang, Cavite, na agad na umaksyon nang malaman niyang hindi na itinuloy ng lokal na pamahalaan (LGU) ang pagbibigay ng pagkain sa mga batang inaalagaan sa Bahay Pag-asa.
Nagkusa ang ilang staff na magtulong-tulong upang may makapagluto para sa mga bata, ngunit hindi ito sapat para sa kanilang pangmatagalang pangangailangan.
Responsibilidad ng LGU na alagaan at pakainin ang mga batang ito, at nang mabatid ni Mayor Anarna na itinigil ang pondo para sa kanilang pagkain, agad siyang umaksyon kasama sina BM Macoy Amutan, Konsehal Ivan Amutan, Cokiat Garcia, Romeo Toledo, Jasper Anarna, at Admin Jung.
Nagdala sila ng paunang 100 kilong bigas, 50 kilo ng karne, mga gulay, at itlog upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga bata.
Ipinapakita ni Mayor Anarna ang isang halimbawa ng mahusay na pamumuno—isang lider na hindi lamang nakaupo at naghihintay, kundi aktibong kumikilos para sa kapakanan ng kanyang nasasakupan.
Ang kanyang mabilis na aksyon ay hindi lamang nagbigay ng agarang solusyon sa problema ng pagkain, kundi nagbigay rin ng pag-asa at inspirasyon sa komunidad.
Hindi sapat na malaman lamang ang mga problema ng ating komunidad.
Mahalaga na tayo rin ay kumilos upang ito ay matugunan.
Ang ginawa ni Mayor Anarna ay isang paalala na ang bawat isa sa atin ay may kakayahang maging bahagi ng solusyon.
Ang kanyang pangako na sagutin ang rasyon ng pagkain hangga’t hindi pa napagpapasyahan ng LGU ang patuloy na pagpondo, ay patunay ng kanyang dedikasyon at malasakit sa mga bata sa Bahay Pag-asa.
Sa panahon ngayon, ang mga lider na tulad ni Mayor Anarna ay kailangan upang ipakita na sa bawat hamon, may solusyon.
Aba’y ang kanyang aksyon ay isang hakbang tungo sa mas maayos at makataong pamamahala na nararapat lamang tularan.
Saludo kami sa inyo, Mayor Kevin Anarna, at sa lahat ng mga kasama ninyong local officials sa pagtugon sa pangangailangan ng mga bata.
Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa marami.
Mabuhay po kayo at God bless!
