MMDA EMPLOYEE DINAKIP SA PANANAKIT

BULACAN – Arestado ang isang empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang bugbugin ang kanyang kinakasama at paluin ng stick ang 10-anyos anak ng ginang sa San Jose del Monte City ng lalawigang ito.

Dinakip ng mga barangay tanod si Roel Gatuz y Garcia, residente ng Block 15, Lot 17, Saint Joseph Ville, Barangay Kaypian, SJDM City.

Hindi pumalag ang suspek nang arestuhin ng barangay frontliners sa kanilang lugar bago inilipat sa kustodiya ng pulisya. (GINA BORLONGAN)

254

Related posts

Leave a Comment