ARESTADO sa bisa ng warrant of arrest ang isang 21-anyos na number 3 most wanted person sa Samar dahil sa kasong rape, makaraang matunton ng mga tauhan ng Manila Police District sa Pasig City nitong Sabado ng umaga.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Marjone Pirante y Sayago, alyas “Totoy,” binata, tubong Bolosao, Lawaan, Eastern Samar, nanunuluyan sa Pasig Mega Market sa Caruncho Avenue, Pasig City.
Batay sa ulat na isinumite ni P/Lt. Arniel Buraga kay P/Lt. Col. Dennis Rodriguez, commander ng MPD-Station 10, bandang alas-9:00 ng umaga nang matunton ang suspek sa palengke ng Pasig Mega sa nasabing lugar.
Ayon sa report, humingi ng tulong ang mga tauhan ng PNP-PRO 8 ng Eastern Samar PPO, bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Hon. Evelyn Rinos-Lesigues, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 42 ng Balinga, Eastern Samar, na may petsang Disyembre 17, 2020, dahil sa kasong panggagahasa.
Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa nasabing susppek. (RENE CRISOSTOMO)
205 