MS ECO-INT’L WINNER KATUWANG NG TURISMO

PINAIGTING ng bagong hirang na Miss Eco-International 2022 na si Kathleen Paton ang kanyang panawagan para sa pagsuporta sa environmental conservation pagkatapos ng pandemya.
Si Paton ay masayang binati ng mga lider at miyembro ng Turismo Isulong Mo Partylist (#156TURISMO) na kamakailan ay nag-imbita sa beauty queen sa pagbisita sa ilang ecological park at farm resorts sa Davao City.

Ayon kay dating DOT Sec. Wanda Tulfo-Teo, 1st nominee ng TURISMO, nagagalak sila sa panalo at tagumpay na natamo ni Kathleen Paton na nasungkit ang Miss Eco-International.

Ayon kay Teo, isang malaking karangalan na makatuwang nila si Miss Paton sa pagsusulong ng sustainable development at pangangalaga sa kalikasan na pinagmumulan ng ating kabuhayan.

Sabi ni Teo, ikinagagalak ng #156TURISMO Partylist na makakapit-bisig si Paton sa adbokasiya ng environmental conservation, sustainable at responsible tourism bilang pagsasa-alang-alang sa mga darating na henerasyon.

Pumatok ang adbokasiya ng 24-anyos na tubong Boracay, Aklan, sa Miss Eco-International pageant na ginanap noong Biyernes sa Cairo, Egypt kung saan inilahad niya ang kahalagahan ng sustainable development at karanasan ng bansa sa taunang pananalasa ng mga bagyo.

Pinatungkulan ni Paton, ang ikalawang Pilipina na nagwagi ng naturang korona, ng kanyang panawagan di lamang ang mga kababayang Pilipino kundi ang buong sanlibutan.

Sa pangunguna ni Teo, ang #156TURISMO Partylist ay naghahangad na maging kinatawan sa Kongreso ng maliliit na stakeholders ng tourism industry upang isulong ang kanilang kapakanan at interes.

108

Related posts

Leave a Comment