Nakaimbak sa opisina ni Sec. Villar? P400-B ‘PORK’ NAAMOY SA KONGRESO

HALOS P400 bilyon na hinihinalang pork barrel ang naamoy ng militanteng grupo sa Kamara sa proposed budget ng Palasyo ng Malacañang na nakatambak sa tanggapan ni Department of Public
Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, posibleng lumaki pa ang halagang ito kapag nabusisi na ang pondo ng lahat ng ahensya ng gobyerno sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on appropriation sa P4.506 Trillion budget.

Sinabi ni Brosas na hindi P739 billion lamang ang pondo ng DPWH na nakasaad sa kanilang 2021 proposed budget dahil halos P1 Trillion ito kasama ang P146.4 billion sa National Capital Region (NCR) at P287.2 billion sa ibang rehiyon.

Sa kabuuang halaga umano ng pondo ng DPWH, P397.22 billion ang hindi nakadetalye kung saan gagamitin at aniya’y ‘na-imbudo ito sa tanggapan ni Villar”.

“In the 2020 GAA – Details of DPWH projects – Central Office, it is clear that specific infrastructure programs are accounted for in the subtotal. But as we look at the 2021 National Expenditure Program, there are no details or any breakdown of a number of appropriations under the Central Office.

This means that the infrastructure program is far from ‘shovel-ready’,” ani Brosas.

Pinakamalaki umano rito ang “Construction of By-pass and diversion roads” na nagkakahalaga ng P42.2 billion subalit hindi ito idinetalye kung saang by-pass road ito gagamitin.

Karamihan aniya sa P397.2 billion preventive maintenance, rehabilitation, road widening, replacement of permanent weak bridges, pagpapatayo ng mga eskuwelahan, flood control drainage at iba pa subalit hindi tinukoy kung saan-saang lugar isasagawa ang proyekto.

Tatlong beses na mas malaki umano ang pondong ito sa P137 billion na budget ng Department of Health (DOH) na hindi makatarungan lalo na’t nasa gitna ng pandemya ngayon ang bansa dahil sa COVID-19.

P20-M ‘PORK’ SA NTF-ELCAC FUND BUKING DIN

Samantala, duda ang isang kongresista sa plano umano ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na buhusan ng tig-P20 milyon ang bawat barangay sa kanilang kampanya laban sa mga komunista.

Nabuko ng Makabayan bloc sa Kamara ang planong ito ng NTF-ELCAC kaya pinondohan ng P19.1 billion ang nasabing ahensya sa ilalim ng 2021 national budget na sinimulan nang himayin sa
mababang kapulungan. Ito rin umano ang dahilan kaya nagwawala si Presidential Communications Coordination Office (PCOO) Undersecretary Loraine Badoy.

“Lorraine Badoy and her NTF-ELCAC bosses must be frothing in the mouth because of the early exposure of the pork barrel funds that they inserted in the 2021 National Budget. Instead of answering why the NTF-ELCAC wants to control the disbursement of public money amounting to P20 million per barangay, Badoy goes on again on her tireless but unsubstantiated tirades against the Makabayan bloc,” ani Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos ang Facebook post umano ng NTF-ELCAC na ang mga mambabatas na miyembro ng Makabayan bloc ay mga “high-ranking members of the Communist Party of the Philippines”.

Ayon naman kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, pork barrel umano ang pondo ng NTF- ELCAC dahil sila ang magpapasya kung ano-anong barangay ang bibigyan nila ng tig-P20 million at kung saan ito gagamitin.

“Sila ang magsi-certify. Sila magbibigay. Mas matindi pa ito sa pork barrel ng kongresista. Magdi- dispense sila ng P20 million per barangay. Can you imagine that? Talagang pork ito in aid of whatever,” ani Zarate.

“Ang tatakaw nila sa pondo, hindi naman nila maipaliwanag kung saan napunta o kung nagamit ba sa wasto. Kagaya nitong P1.83 million na unliquidated meal expenses ng PCOO. Nasukol na naman sila nang maaga kaya sila naghuhuramentado. Malinaw na gusto talaga nilang ilusot itong pork barrel ng mga heneral sa 2021 Budget,” dagdag pa ni Gaite.  (BERNARD TAGUINOD)

311

Related posts

Leave a Comment