NANUTOK NG BARIL, TIMBOG SA SONA GUN BAN

ARESTADO ang isang lalaki dahil sa paglabag sa gun ban sa gitna ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., makaraan umanong manutok ng baril sa Sampaloc, Manila noong Lunes.

Kinilala ang suspek na si Elizalde Cresencio Jr., 48, residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng MPD-Station 4, nangyari ang insidente malapit sa Ospital ng Sampaloc.

Nabatid sa ulat ng pulisya, habang umiinom umano ng alak ang biktimang si Jayson Sevilleja, 41, construction worker, sa loob ng pampasaherong jeep nang dumating ang suspek at pilit itong pinaaalis na humantong sa mainitan nilang pagtatalo.

Pagkaaan ay umalis umano ang suspek ngunit pagbalik ay may dala na itong baril at hinampas ang biktima dahilan para bumaba ito mula sa jeep. Ngunit hinabol umano ito ng suspek at tinutukan ng baril.

Mabilis namang nagresponde ang mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at nakumpiska ang .45 kalibreng baril.

Mahaharap ang suspek sa kasong grave threat, illegal discharge of firearms (Gun Ban na may kaugnayan sa SONA) at physical injury. (RENE CRISOSTOMO)

218

Related posts

Leave a Comment