INIUTOS ni Manila Mayor Honey Lacuna ang evacuation ng daan-daang pamilya dahil sa Bagyong Carina na sinabayan ng Southwest Monsoon.
Sa ulat sa alkalde ni social welfare department chief Re Fugoso, hanggang nitong Martes ng 3 p.m., ang mga apektadong pamilya sa District 1 ay inilikas sa Delpan Evacuation Center. Binubuo ang mga ito ng 84 pamilya mula sa Barangay 20 sa Isla Puting Bato; dalawang pamilya sa Barangay 128, Bldg. 3; 40 pamilya mula sa Barangay 101, Bldg. 1 covered court Katuparan at 36 pamilya naman mula sa R10 Green Bldg., 3rd Floor.
Sa District 3, ay may kabuuang 28 pamilya ang nailikas mula sa Barangay 275, Gate 54 at 58. Sa Baseco, 174 pamilya ang inilikas.
Ala-una ng hapon, ang update mula sa tanggapan ni Lacuna ay nag-ulat ng gutter deep na baha sa M. Adriatico, Padre Faura Intersection 2, Quirino Station S. E2 (Vito Cruz L.), Quirino Station S. E2 (Facing Vito Cruz R.), P. Ocampo hanggang Roxas, Quirino Station E2 S. (To Entrance), P. Ocampo hanggang LRT Station, Taft NBI Parking Taft NBI Exit, Taft cor. Natividad (sakayan) at Taft Avenue NBI.
Sinabi ng spokesperson ni Lacuna na si Atty. Princess Abante na inutos din ni Lacuna ang suspension ng lahat ng klase sa private elementary and high schools sa Manila, kabilang na ang face-to-face classes. (JESSE KABEL RUIZ)
