11 PAGYANIG NAITALA SA BULKANG KANLAON

NAG-ALBOROTO ang Bulkang Kanlaon at nakapagtala ng labing-isang (11) volcanic earthquake, iniulat ngayong Lunes ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, namataan din ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan na may taas na 200 meters.

Nakataas sa alert level 1 ang Bulkang Kanlaon kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid nito.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng ano mang uri ng sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan dahil sa banta ng pagsabog nito.

Ang Kanlaon ay itinuturing na aktibong bulkan na matatagpuan sa Negros Occidental at Negros Oriental. (PAOLO SANTOS)

222

Related posts

Leave a Comment