REMULLA TIKOM-BIBIG SA ANSON QUE CASE

TUMANGGI muna si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na magkomento o kumpirmahin kung naihain na ba o hindi ang amendment o mosyon ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng kontrobersyal na kaso ng pagkidnap at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at driver nito.

Hindi tumugon si Remulla sa isang ambushed interview sa DoJ na ang tanging sagot ay “I think so.”

Kasunod ito ng pahayag ng PNP na hihilingin nila sa Department of Justice (DOJ) na alisin si Alvin Que sa listahan ng mga respondent sa kaso ng pagkidnap at pagpatay sa kanyang ama na si Anson at driver nito.

Nauna riyan, mismong ang PNP ang nagrekomenda sa DoJ na makabilang si Alvin sa mga dapat maimbestigahan, matapos siyang idawit ng isa sa mga suspek na si David Tan Liao, batay sa isinalaysay nitong extra judicial confession.

Gayunman, ipinaliwanag ng pambansang pulisya na wala kasi silang nakitang iba pang ebidensya para iugnay si Alvin sa nasabing krimen.

Matatandaang sina Que at kanyang drayber ay natagpuang patay sa masukal na lugar sa Rodriguez, Rizal noong April 9, na sinasabing nagbigay na umano ng ransom money ang pamilya, pero pinatay pa rin ng mga kidnapper.

(JULIET PACOT)

48

Related posts

Leave a Comment