KAGAMITANG PANDIGMA NASAMSAM SA SAGUPAAN

ILANG kagamitang pandigma ang na-recover mula sa lokal na teroristang grupo nang makasagupa nila ang tropa ng 6th Infantry (Redskin) Battalion sa Brgy. Penditen, Datu Salibo, Maguindanao del Sur dakong alas-5:00 ng hapon noong Sabado. Ayon kay Lt. Col. Al Victor C. Burkley, commanding officer ng 6IB, nagsasagawa ng regular combat patrol ang kanilang tropa nang maka-engkwentro ang armadong grupo. Sa isinagawang clearing operation, nakarekober ang tropa ng militar ng isang M14 rifle, dalawang magazine, isang bandolier, dalawang caliber .45 pistol, at iba pang kagamitan. May nakitang bakas ng dugo…

Read More

72 KILOS NG DRIED MARIJUANA NASABAT NG BOC AT PDEA

NASABAT ng mga ahente ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency-MICP ang 72 kilos ng high grade marijuana o kush, sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Manila Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, isang joint interdiction operation ang inilunsad ng BOC, katuwang ang PDEA – MICP, na nagresulta sa pagkadiskubre sa suspected marijuana (kush). Nabatid sa report na isinusumite ng PDEA Regional Office NCR, isinagawa ang anti-narcotics operation sa Designated Examination Area (DEA), Container Facility Station 3 (CFS3), sa Manila…

Read More

4-ANYOS, 1 PA PATAY SA AKSIDENTE SA NAIA TERMINAL 1

KUMPIRMADONG namatay ang dalawa katao, kabilang ang 4-anyos na babaeng paslit, sa nangyaring aksidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Linggo ng umaga. Bukod sa naturang paslit, isang lalaki rin ang iniulat na namatay sa aksidente pero hindi pa batid kung isa itong OFW o naghahatid lamang na kaanak sa paliparan. Ayon sa sa inisyal na pagsisiyasat, sumalpok ang isang SUV sa outer railing at pumasok sa walkway malapit sa terminal entrance ng naturang airport. Kinumpirma ng Philippine Red Cross ang pagkamatay ng dalawang biktima nang araruhin…

Read More

INA NAGLULUKSA SA PAGPANAW NG ANAK SA PAYOUT EVENT SA MARIKINA

NAGLULUKSA ang isang ina sa pagkamatay ng kanyang anak, habang nasa payout event na inorganisa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ni Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo sa Marikina Sports Center. “Ang pinakamasakit po nito para sa akin, dapat ang anak ko ang maglilibing sa akin balang araw—pero ngayon, ako ang maglilibing sa kanya. Kahit hindi ko man laging nasasabi, pinaramdam naman namin sa iyo kung gaano ka namin kamahal,” sabi ng ina ng biktima. “Mahal na mahal ka talaga namin. Wala namang magulang na hindi…

Read More

‘PAPA PI’ INENDORSO SI BAM, SUMAMA SA MOTORCADE

NADAGDAG ang aktor na si Piolo “Papa Pi” Pascual sa mga artistang nag-iendorso sa kandidatura ni dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino. Kahapon (Linggo), sumama si Pascual sa motorcade ni Aquino sa ilang parte ng Metro Manila, kabilang ang Mandaluyong at Cubao, Quezon City. Nakasama rin ni Aquino ang aktres na sina Iza Calzado, na kilala sa pagganap niya bilang “Darna”, at Bea Binene sa Mandaluyong, Quezon City, at Valenzuela. Bago nagsimula ang motorcade, pinagtibay nina Pascual, Calzado, at Binene ang endorsement kay Aquino sa pamamagitan ng pag-flash…

Read More

Pinatikim ng luto ni ‘Idol’ Catacutan ATTY. RODRIGUEZ GAME SA EXOTIC FOOD

NAKIPAGSABAYAN si Atty. Vic Rodriguez sa pagkain ng tinola sa iba pang mga bisita sa isinagawang ‘boodle fight’ sa Lot-Gar Farm Resort na matatagpuan sa 767 Arnedo Dike sa San Luis, Pampanga at pag-aari ng kilalang food vlogger na si ‘Idol’ Romeo Sagum Catacutan nitong nakaraang Labor Day, Mayo 1. Pagdating ni Atty. Rodriguez sa lugar bandang alas-10:00 ng umaga, agad siyang sinalubong ng mga taong nakipagkamay at nagpakuha sa kanya ng mga litrato na pawang mga panauhin din ni Idol Romy Catacutan. Habang nagluluto si Idol Romy ng tinolang…

Read More

TAPANG NI VP SARA KAILANGAN SA ISYU NG CHINA

INAABANGAN ng mga administration congressman na gamitin ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang kanyang tapang sa patuloy na pangha-harass at pananakop ng China sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay House Assistant Majority Leader Jay Khonghun, habang tumatagal ay lalong tumatapang si Duterte at walang isyung pinapalagpas ito subalit pagdating aniya sa isyu ng China ay tameme ito. “Kapag ibang isyu, ang ingay ni VP, kanyang mga kandidato at kakampi. Pero ‘pag-China na ang kalaban, bigla na lang silang nawawala. Parang nawawala rin ang paninindigan. Sa bullying ng China, doon…

Read More

LIBRENG DIALYSIS IKINASA SA QC

NAGSANIB-PWERSA ang Senior Citizens Party-list sa pangunguna ni Representative Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes at Quezon City Fifth District Congressional candidate Rose Lin para makapagtayo ng isang dialysis center na makapanggagamot nang “libre” hindi lamang sa mga nakatatanda at residente ng lungsod. Matapos inspeksyunin nina Ordanes at Lin ang magiging pasilidad ng dialysis center na matatagpuan sa 112 GD Plaza, Novaliches 717 Quirino Highway, Brgy. San Bartolome, Novaliches nitong weekend, isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng dalawa kasama ang mga kinatawan ng Nephor Health Services Inc., isang accredited facility ng Department…

Read More

PANGANGAMKAM NG TSINA HALIMBAWA NG DISINFORMATION

BINATIKOS ng National Maritime Council (NMC) ang ‘disinformation activities’ ng Tsina sa pag-anunsyo na kinuha nito ang kontrol ng Sandy Cay (Pag-asa Cay 2), isang sandbar malapit sa Pag-asa Island at sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Sa isang kalatas, labis na ikinalungkot ng NMC na ginagamit ng Chinese government ang state-controlled media nito para maghasik ng disinformation “to mislead its own people and the international community about the continuing illegality of its activities in the West Philippine Sea.” “The alleged seizure of Pag-asa Cay 2 (Sandy…

Read More