ITO ang ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson, Cmdr. Jay Tarriela sa ginanap na forum nitong Biyernes kaugnay sa paglulunsad ng Joint Anti-Fake News Action Committee ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang General Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.
Dinaluhan ito ng vital officials mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang Philippine Coast Guard (PCG), Department of the Interior and Local Government (DILG) at maging ng Presidential Communications Office (PCO) upang makiisa sa layunin na pagbuo ng naturang komite.
“Despite our efforts at transparency, the Chinese Embassy never really hesitated to contract another troll farm for them to counter our factual narrative in the West Philippine Sea,” ani Cmdr. Tarriela.
Ayon sa Philippine Coast guard Official, nang pasimulan nila ang kanilang transparency initiative, nasa isang libo lamang ang trolls na kanilang namo-monitor.
“But right now, the trolls in the social media platforms have already increased more than ten folds. In short, there are now 10,000 social media accounts that we are monitoring that counters our position in the West Philippine Sea.”
Bukod sa isyu ng West Philippine at pagpapakalat ng pekeng narratives, trabaho rin ng itinatag na Troll farms ng China ang paniniktik upang maapektuhan ang isasagawang midterm election ngayong Mayo 2025.
Magugunitang isang Chinese national ang nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation sa bisinidad ng Commission on Election sa Intramuros kamakailan lamang at sinasabing isa itong espiya.
Hindi agad nagbigay ng pahayag ang China Embassy hinggil dito dahil kasalukuyan pa umano silang nakikipag-ugnayan sa Philippine authorities.
Ngunit tahasang itinanggi ni China Foreign Ministry Spokesperson Guo Jiakun na nakikisawsaw sila sa internal affair ng Pilipinas lalo na sa magaganap na eleksyon.
Ayon kay Guo Jiakun, “More broadly, let me stress that China follows the principle of non-interference in other countries’ internal affairs. We will not interfere and have no interest in interfering in the relevant internal affairs of the Philippines”.
Kaugnay nito, pinayuhan ng foreign ministry official ang mga politikong sumasakay sa isyu dahil tiyak na mabibigo lamang sila.
“We also advise certain politicians in the Philippines not to use it as an opportunity to propagate China-related issues and make groundless accusations for selfish gains. ”
Nanawagan ang Gobyernong Tsino sa mga politiko ng Pilipinas na huwag gamiting isyu laban sa Tsina ang pagkakaaresto sa isang Chinese national.
Samantala, sinabi ng NBI na hindi isinasantabi ang posibilidad na maimpluwensyahan ang halalan dahil sa posibleng datos na nakuha mula sa kagamitan ng suspek.
Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, ang naarestong Chinese national ay may dalang IMSI catcher o International Mobile Subscriber Identity device—isang teknolohiya na kayang sumagap ng impormasyon gaya ng personal messages mula sa cellphone ng mga indibidwal.
Paliwanag pa ni Lavin, kung mapatunayang may na-store na data mula sa mga device ng mga Pilipino, posibleng magamit ito upang manipulahin ang resulta ng halalan.
(JESSE KABEL RUIZ)
