(NI BERNARD TAGUINOD)
ILALARGA na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagtataas ng sahod ng mga government workers ng hanggang 15% sa loob ng 3 taon.
Ito ang nabatid kay House committee on ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda gagastuhan ng P110 Billion ang dagdag na sahod sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL) 5.
Gagamitin aniya ng kanyang komite ang isang pag-aaral ang ipinagawa ng Governance Commission for GOCC at Department of Budget and Management (DBM) kung saan inirekomenda ang pagtataas ng 15% na umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno.
Gayunman, tanging ang mga empleyado na may salary grade (SG) 1 hanggang 17 ang bibigyan ng 15% na umento sa loob ng 3 taon o tig-5% sa kada taon habang mas mababa naman sa mga empleyado na may SG 18 hanggang 33.
“Unlike SSL 5, it will favor SG 1-17 with higher increases while those in SG 18-33 including the President and Congressmen will receive lower increases. The adjustments will preserve and somewhat improve the purchasing power of civil servants considering the consumer price inflation of 3.4% over the past three years ( 2016 – 1.8%, 3.2% – 2017 and 2018 – 5.2%) and forward estimates 3-year inflation of 2-4% per year,” paliwanag ni Salceda.
Inaasahang ipatutupad ang SSL 5 sa susunod na taon dahil naglaan ng P32 Billion ang gobyerno para sa dagdag na sahod ng mga empleyado ng gobyerno sa ilalim ng P4.1 Trillion national budget.
Huling nagkaroon ng dagdag na sahod ang mga empleyado ng gobyerno noong Enero 2019 o ang ikaapat na bahagi ng SSL 4.
131