18 BI EMPLOYEES SUSPENDIDO SA KOTONG SA KOREAN NATIONALS

bi121

(NI FROILAN MORELLOS)

NAHAHARAP sa prevetinve suspension ang 18 kawani ng Bureau of Immigration (BI) mula sa Department of Justicee (DoJ) dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa extortion o panghihingi ng lagay sa mga Korean nationals.

Nabatid mula kay Commissioner Jaime Morente , na ibinaba ang suspension order ng DoJ laban sa 18 empleyado makaraang maghain ng reklamo ang mga biktima sa Office of the President na siyang naging dahilan upang ipag-utos sa secretary ng Department of Justice ang kaukulang pinalidad.

Ayon sa pahayag ni Morente, ang extortion ay isang paglabag ng sinumpaang salaysay o  oath of service bago manungkulan, kung kaya’t aniya hindi sila makaliligtas sa kaparusahan na ipapataw ng batas.

Ayon pa kay Morente na bukod sa preventive suspension laban sa mga suspek, kasabay na nililitis ng BI Board of Discipline ang kasong administrative at criminal charges bago irekomenda sa DoJ ang kaukulang pinalidad laban sa mga ito.

Dagdag pa ni Morente, hiniling niya sa National Bureau of Investigation (NBI) ang sariling imbestigasyon ng ahensiyang ito bago sampahan ng kasong kriminal.

 

 

 

260

Related posts

Leave a Comment