4Ps INAYUDAHAN NG WB

WORLDBANK12

(NI MAC CABREROS)

INAPRUBAHAN ng Board of Executive Directors ng World Bank (WB) ang $300 milyong loan bilang pondo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng Pilipinas.

“This additional financing shows the World Bank’s continuing commitment to the Philippine government’s social protection program as it grows with greater sophistication to tackle a broader array of development concerns, including child malnutrition,” pahayag ni Mara Warwick, World Bank Country Director para Brunei, Malaysia, Philippines at Thailand.

“Since 2008, the 4Ps has promoted safer birth deliveries and has improved poor children’s access to educational and health services. We are proud to support programs such as this that help millions of families overcome poverty,” dugtong ni Warwick.

Binanggit nito na batid nilang 4.2 milyon pamilya kung saan may 8.7 milyong bata ang nabibiyayaan sa conditional cash transfer program ng gobyerno ng Pilipinas kung saan napagkakalooban ng serbisyong kalusugan ang mga magulang at kanilang anak gayundin na nasisigurong pumasok sa paaralan at maiwasan ang dropout ang mga batang mag-aaral.

Tinukoy ng World Bank ang datos kung saan tumaas sa 4.9 porsyento ang enrolment ng batang 12 hanggang 17 anyos at 10 porsyento sa edad 16-17 habang lumawak ang maternal at child health services.

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11310 na nagkakaloob ng mas mataas na tulong sa mga benepisaryo kung saan 41 porsiyento sa Luzon, 21 porsiyento sa Visayas, at 38 porsyiento sa Mindanao kung saan pinakamalaking bulto sa BARMM.

160

Related posts

Leave a Comment