90% EMPLEYADO NG FOREIGN INVESTORS DAPAT PINOY

pinoyworkers55

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAOOBLIGA ang mga dayuhang kumpanya na may negosyo o naghahanap-buhay sa Pilipinas na ilaan ang 90% sa kanilang mga empleyado sa mga Filipino kapag naipasa ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa House Bill (HB) 789 na inakda ni Muntinlupa Rep.  Rozzano Rufino “Ruffy” Biazon, bukod sa mga empleyado ay kailangan ding gumamit ng mga local materials ang mga dayuhang negosyante.

“Filipinos are known worlwide for their craftmanship, skills,  and excellent managerial abilities,” ani Biazon kaya walang dahilan upang hindi sila prayoridad ng mga dayuhang negosyante kapag nagnegosyo ang mga ito sa Pilipinas.

Dahil dito, hiniling ng mambabatas sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na ipasa agad ang nasabing panukala upang masiguro na makinabang ang mga Filipino sa mga dayuhan na nagnenegosyo sa bansa.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na maraming dayuhang manggagawa sa bansa na nagtatrabaho umano sa mga construction industry na ang mga employer ay mga dayuhan din.

Kailangan ding obligahin ang mga negosyanteng ito na gumamit ng mga local raw materials at local products sa kanilang negosyo upang masiguro na nakakatulong talaga ang mga ito sa ekonomiya ng bansa.

“Philippine-made products are no longer inferior in quality but have evolved into world-class products.  There is no reason therefore for foreign companies engaged in business here not to buy locally produced goods and engage the services of our countrymen, ” ayon pa sa mambabatas.

Papayagan lamang ang mga negosyanteng ito na umangat ng mga raw materials sa ibang bansa kung hindi wala nito sa Pilipinas subalit kailangang iprayoridad muna ng mga ito ang mga raw product ng mga Filipino.

“As it stands, this bill seeks not only to decrease unemployment in the country but also increase trade of locally-produced goods, ” ayon pa kay Biazon kung saan itinakda nito sa P100,000 hanggang P500,000 ang multa sa unang paglabag at P1 Million sa ikalawang paglabag at sa ikatlong pagkakataon ay pagbabawalan na ang mga ito na magnegosyo  sa bansa.

147

Related posts

Leave a Comment