(NI JESSE KABEL)
NAKUMPIRMA na kabilang sa napaulat na 24 miyembro ng Daesh inspired terror group ang mga foreign terrorist na nagtatago sa bulu-bunduking bahagi ng Maguindanao matapos na ma-recover ang dalawang bangkay –t isa rito ay Arab-looking foreigner – na napuruhan sa aerial assault na ginawa ng militar.
Sa ulat at ilang larawang ibinahagi ni Army 6th Infantry Division Commander Cirilito Sobejana, matapos ang ilunsad ang aerial assault at ground operations sa Maguindanao laban sa DAESH-inspired terrorists, ay natagpuan ang dalawang bangkay ang na-recover ng military sa clearing operation.
Ayon kay Sobejana, isa sa dalawang cadaver na kanilang narekober ay foreign terrorist na mukhang middle easterner o Arab looking.
Kasalukuyang bina-validate ng mga military intelligence ang kakikilanlan ng nasabing foreign terrorist bagamant may inisyal na silang kakikilanlan ay tumanggi muna itong pangalanan dahil magsasagawa pa umano sila ng further validation.
Agad namang nilinaw ni Sobejana na hindi ito si Mawiyah na isang Singaporean terrorist na remant ng grupo ni Zulkifli Bin Hir alias Marwan.
Nitong Martes, matapos na ihayag ni Sobejana na higit sa 20 terorista na ang napatay sa inilunsad na surgical operation ng 6th ID ay posibleng kabilang sa mga nasawi ang tatlo sa mga high value targets na sina Salahuddin Hassan, Commander Bastardo at Mawiyah.
Napatay umano ang tatlo dahil sa aerial assault ng militar.
Nakatutok ang operasyon ng militar sa SPMS box ito ay ang Salibu-Pagatin-Mamasapano at Shariff Aguak, dahilan upang lumikas ang may 1,300 pamilya sa takot na maipit sa bakbakan.
186