BASIC NEEDS NG MAHIHIRAP UNANG TUGUNAN

HINILING ni Senador Edgardo “Sonny” Angara sa local government units at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na unahin ang pagbibigay ng ayuda sapangunahing pangangailangan ng quarantined families sa kanilang nasasakupan.

Sa pahayag, sinabi ni Angara na kailangan tiyakin ng pamahalaan na may makakain ang mahihirap nating kababayan ngayon pinaigting ang community quarantine sa buongLuzon.

“Ngayon na nakakulong sa bahay ang marami sa ating kababayan dahil sa enhanced community quarantine dapat siguraduhin ng ating pamahalaan na meron silang makakainaraw-araw,” ayon kay Angara.

Sinabi ni Angara na mas makabubuti sa mga LGU at DSWD na unahin ang mahihirap upang maiwasang kumalat ang COVID-19 sa kanilang lugar sa pamamagitan ng pagbibigay ngayuda partikular sa mga “isang kahig, isang tuka.”

Ipinatupad ng pamahalaan ang enhanced community quarantine nitong Martes na sumasakop sa buong Luzon kaya epektibong inihinto ang trabaho sa lahat ng tanggapan maliban sa maghahatid ng pangunahing serbisyo, sinuspinde ang mass transportation system at ipinagbabawal ang hindi kailangan paggagala ng sibilyan. Ayon kay Angara, tinanggap ng karamihan ang enhance community quarantine bilang epektibong pamamaraan na mapuksa ang sakit at maiwasang kumalat sa mas marami pang komunidad sa buong bansa. Ngunit nagdulot naman ito ng pag-aalala sa maraming manggagawa na arawan ang bayaran at walang kita upang suportahan ang pamilya.

“Sa ganitong sitwasyon na ang mga tao ay hindi na malaman kung saan kukuha ng pera pambili ng pagkain at gamot, nagkakaroon ng mga insidente ng paglabag sa pinatutupad na quarantine. Let us not wait for people to get desperate and start behaving irrationally.

Exert all efforts to reach out to them and provide them with Bukod sa calamity funds na puwedeng gamitin ng LGUs, mayroon din na P12.25 bilyon ang DSWD sa ilalim ng quick response fund (QRF) at P8.7 bilyon para sa protective services program (PSP) sa 2020 General Appropriations Act.

Isang stand-by funds ang QRF para sa relief at recovery program na may intensiyon na gawing normal ang sitwasyon at pamumuhay ng komunidad o lugar na sinalanta ng kalamidad, bagyo o epidemya o patong-patong na kagipitan sa mas madaling panahon.

Ayon kay Angara, maaaring gamitin ang cash assistance program ng DSWD upang ipambili ng gamit vs COVID-19 tulad ng alocohol, sabon at face masks. ESTONG REYES

463

Related posts

Leave a Comment