‘PEOPLE POWER’ NI ROQUE SINUPALPAL NG PALASYO

SINUPALPAL ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque matapos idaan ng huli sa kanyang Facebook Live ang muling panawagan nito na people power revolution.

Para kay Roque, walang masama sa people power revolution dahil ‘mapayapang pagtitipon’ lamang naman ito.

“Peaceful gathering for what? For what? Anong purpose? Well, they can discuss this over YouTube channel nila, over social media accounts nila, and for what is that gathering? If they’re for peace, why are they asking for the resignation of PBBM?,” ang sunod-sunod na tanong ni Castro.

Sa ulat, nanawagan at inimbitahan ni Roque ang mga vlogger na huwag nang umiyak sa mga pangyayari lalo na sa pag-aresto sa dating pangulo dahil malinaw na lumabag ito sa soberanya ng bansa at hurisdiksyon at pagiging malaya ng Pilipinas.

“Balik EDSA na po tayo. Pwede ba ho? mga kaibigan, lahat ng mga hindi lang nagmamahal kay Presidente Duterte, lahat ng nagbibigay importansya sa soberanya at sa hurisdiksyon at pagiging malaya ng Pilipinas, kinakailangan na po na manindigan na tayo,” ani Roque.

Samantala, para sa Malakanyang dapat unawain ng taumbayan ang tunay na nangyayari sa kaso ng dating pangulo sa ICC sa halip na magsagawa ng people power.

(CHRISTIAN DALE)

24

Related posts

Leave a Comment