BASURA NG HONG KONG SA PINAS IBABALIK NA

hk basura12

(NI BERNARD TAGUINOD)

BALIK-Hong Kong ngayong Lunes, Hunyo 3, ang basura ng Hong Kong na natuklasang nakaimbak sa Mindanao International Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Ayon kay Misamis Oriental Rep. Juliette Uy, magkakaron ng seremonya, Lunes sa nasabing daungan para sa re-exportation ng mga Ecological Waste ng Hong Kong na dumating sa Pilipinas noong Enero, 2019.

Sinabi ng mambabatas na kailangang magdalawang-isip na ang ibang bansa na ginagagawang tambakan ng basura ang Pilipinas dahil hindi mangingimi ang gobyerno na ibalik ito sa kanila.

Una nang naghakot ang South Korea ng kanilang basura habang ang Canada at nagsimula na ring ibalik sa kanilang bansa na mga basura ng mga ito nasa Pilipinas sa nakaraang  limang taon.

Samantala, nakatakdang aprubahan naman ng House committee on good government and public accountability ang committee report hinggil sa resulta ng kanilang imbestigasyon sa pag-angkat ng basura mula sa South Korea.

Sa inisyal na finding, sinabi ni Uy na apat na batas ang nalabag sa pagdating ng basura ng South Korea sa Mindanao tulad ng Republic Act (RA) No. 6969 o  Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990 at RA No. 9003 o  Ecological Solid Waste Management Act of 2000

Nalabag din umano ang RA  No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act o RA 3019.

Dahil dito, inirekomenda ng komite na  sampahan ng kaso ang mga sangkot sa pag-angkat ng basura ng South Korea at mga nagpabaya sa panig ng gobyerno tulad ng Bureau of Customs (BOCs).

122

Related posts

Leave a Comment