CONJUGAL VISIT WITH SEX SA MGA BABAENG PRESO PINABORAN

preso12

(NI DAVE MEDINA)

NAGBABALAK  si Bureau of Corrections (BUCOR)  Director Nicanor Faeldon na payagang  magkaroon ng conjugal visits with sex sa mga Correctional Institutions for Women  sa bansa.

Ayon kay Faeldon, nagiging  hindi makatwiran na pagbawalan ang mga kababaihang inmate na makipagtalik sa kanilang asawa sa loob ng selda samantalang ang mga lalaking bilanggo ay pinapayagan na makipag-sex sa kanilang asawang  dumadalaw at  mayroon pang maliit na kuwartong inilaan para sa naturang aktibidad pang may-asawa.

Ang hindi aniya pagpayag sa conjugal visit with sex ay isa umanong uri ng paglabag sa karapatan pantao.

Dahil dito ay  hinimok niya ang iba’t ibang sektor at mga mambabatas na pag aralan ang ganitong sitwasyon upang pumarehas ang batas sa pagkakapantay pantay ng tao lalo na ang bilangong lalaki at bilanggong babae.

107

Related posts

Leave a Comment