CONTINGENCY MEASURE VS HK PINOY WORKERS PINAHAHANDA

OFWS44

(NI NOEL ABUEL)

KINALAMPAG ni Senador Nancy Binay ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na maging handa sa posibleng paglilikas sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Hong Kong.

Ayon kay Binay, habang patuloy ang tensyon sa buong Hong Kong dapat na ilagay sa standby ang contingency measures upang matulungan ang mga OFW sa oras na lalo pang tumaas ang tensyon sa nasabing bansa.

“Umaasa akong isolated cases ang mga report na may mga employer na nag-terminate ng kontrata ng mga household service workers. Gayunpaman, kailangang maghanda tayo sa kung ano mang pangyayari na may direktang epekto sa kapakanan ng ating mga kababayan sa Hong Kong,” ani Binay.

Sa mga oras aniya ng kaguluhan ay mahalaga ang komunikasyon kung saan kung may pangangailangan ay agad na isagawa ang repatriation plan habang maaaring hingin ang tulong ng mga Filipino organization sa Hong Kong para tumulong sa mga paglilikas.

“Kumpiyansa akong maayos na matutugunan ng ating Consulate Office sa Hong Kong ang pagsiguro sa kapakanan ng ating mga kababayan. Kami sa Senado ay patuloy na umaantabay sa sitwasyon. We will extend all the necessary support to concerned agencies in order to guarantee the welfare and safety of Filipinos in Hong Kong and its three territories,” aniya pa.

 

178

Related posts

Leave a Comment