(NI ABBY MENDOZA)
APRUBADO na sa joint committee hearing ng House Committees on Economic Affairs at Trade and Industry ang House Bill 300 na aamyenda sa RA 7042 o Foreign Investment Act (FIA) of 1991.
Sa ilalim ng panukala ay niluluwagan ang mga restrictions sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa Pilipinas.
Sa oras na maisabatas ay ibababa sa 15 mula sa 50 ang minimum employment requirement ng direct local hires sa mga small at medium domestic enterprises na itinatag ng mga foreign investors gayundin ay maari nang makapagbukas ng negosyo at mamuhunan ang mga dayuhan sa halagang $100,000.
Bagama’t luluwagan ang foreign investment tinitiyak naman na hindi maaapektuhan ang mga local industry dahil mayroong mga
industriya na hindi naman papayagan na dayuhan ang magtrabaho at manungkulan.
Sa ilalim ng HB 300 ay magkakaroon din ng pagrerebyu kada taon sa Foreign Investment Negative List (FINL) para mas makahikayat ng mga foreign investors para mamuhunan sa iba’t ibang industriya sa bansa.
Naniniwala ang Kamara na kung maalis ang limitasyon sa pamumuhunan ng mga dayuhan ay mas magbubukas ito sa mas maraming oportunidad, magkakaroon din ng dagdag na trabaho, investment at magkaroon ng kumpetisyon sa mga industriya na ang makikinabang sa kabuuan ay ang mga mamimili.
Ang mabilis na pag-apruba ng komite sa panukala ay dahil isang hearing lamang ang isinagawa alinsunod sa House rules na hindi na isang pagdinig na lamang ang kailangan sa committee level kung ang isang panukala ay lumusot na sa Third and Final Reading noong nakaraang 17th Congress.
Lumusot na sa ito sa Kamara noong 17th Congress subalit hindi umusad sa Senado.
232