(NI BERNARD TAGUINOD)
LABAG sa batas partikular na sa Consumer Protection Law o Republic Act 7394 ang umano’y depensa ng mga oil companies na isang business scretary at strategies” ang hindi pagsisiwalat sa detalye ng kanilang presyo sa mga produktong petrolyo.
Ito ang ihinayag ni 1-CARE party-list Rep. Carlos Ramon Uybarreta matapos makarating umano sa kanya ang umano’y depensang ito ng mga kumpanya ng langis sa bansa.
“Oil companies’ arguments against itemized or unbundled fuel prices are “far outweighed by the imperatives of consumer protection and transparency,” ani Uybarreta.
Unang iginiit ng mga militanteng mambabatas sa Kamara na e-itemize ng mga oil companies ang kanilang ipinapatupad na presyo sa mga produktong petrolyo upang malaman kung tama ba ito o hindi.
Nais ng mga Makabayan party-list congressmen na idetalye ng mga oil companies kung magkano ang gastos ng mga ito sa pagbili ng krudo sa ibang bansa, gastos sa transportasyon, additives, at iba pa dahil patuloy ang pagtaas ng presyo nito sa lokal na merkado.
“From the consumer protection standpoint, those corporate pricing strategies and business secrets are precisely the shields that are preventing ‘sunlight’ from coming in. Let the sunshine in,” ayon kay Uybarreta.
Dahil dito, iginiit ng mambabatas na mismong ang Department of Energy (DOE) na ang mag-itemized sa mga gastos ng mga kumpanya ng langis upang maproteksyunan ang mga consumers.
“The DOE might want to do that first because that is easier to achieve than unbundling for fuel purchases of consumers at the gas stations,” ayon sa mambabatas.
Puwede umanong magawa ito ng DOE sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya lalo na’t alam ng mga ito kung magkano ang presyuhan ng langis sa world market at iba pang gastusin ng mga oil companies.
158