I alone take full responsibility.
Ito ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ipinatupad niyang war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Sa pagharap niya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ng dating pangulo na siya lamang ang may full legal responsibility sa lahat ng nagawa ng kanyang mga pulis na sumunod sa kanyang kautusan.
Sinabi ng dating Punong Ehekutibo na kung may makukulong ay siya na lamang at huwag ang mga pulis dahil kawawa naman sila na sumunod lamang sa utos.
Iginiit ni Duterte na hindi dapat kwestyunin ang kanyang mga polisiya dahil para lamang ito sa proteksyon sa bansa at sa mamamayang Pilipino.
Inamin naman ng dating pangulo na noong siya ay prosecutor pa lamang palagi niyang sinasabihan ang mga pulis na kapag humaharap sa mga kriminal ay agad na nila itong patayin upang mabawasan na ang mga kriminal sa bansa.
“Do not question my policies because I offer no apologies, no excuses. I did what I had to do and whether you believe it or not I did it for my country. The war on illegal drugs is not about killing people, it is about protecting the innocent and the defenseless. The war on drugs is about the eradication of illegal substances such as shabu, cocaine, heroine, marijuana, party drugs and the like,” pahayag ni Duterte. (DANG SAMSON-GARCIA)
53