(NI BETH JULIAN)
SA ikalawang pagkalataon, nagharap at nagpulong muli sa Malacanang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) founding chair Nur Misuari.
Ang pulong ay dinaluhan din nina Presidential Adviser on Peace Process Carlito Galvez Jr. at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.
Pero sa halos isang oras na pulong ay hindi naman nagbigay ng detalye ng isinagawang pag uusap nina Pangulong Duterte at Misuari, ang Palasyo.
Noong Pebrero 25 ay nagharap sina Pangulong Duterte at Misuari bago ito lumabas ng bansa at ngayong nakabalik na ay muling naganap ang paghaharap.
Si Misuari ay nahaharap sa kasong rebellion at paglabag sa international huminatarian law kaugnay ng naganap na 20 araw na pang-aatake sa Zamboanga noong 2013 na ikinasawi ng 200 katao.
Nakalabas ng bansa si Misuari matapos makipag-usap ang Pangulo sa mga pulis at militar, maging sa korte na payagan itong makabiyahe sa ibang bansa na itinanggi naman ng Palasyo.
132