(NI BETH JULIAN)
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinibak niya sa puwesto si GSIS President at General Manager Jesus Clint Aranas.
Ito ang inihayag sa talumpati sa isang okasyon sa Leyte, Biyernes ng hapon.
Ang pag-amin ng Pangulo ay taliwas naman sa naunang pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi pinagbitiw ng Pangulo si Aranas at ikinatwirang kusa itong nag-resign dahil sa personal na dahilan.
Kasabay nito, sinabi pa ng Pangulo na mayroon pang nakalinyang sisibakin na opisyal sa Bureau of Customs (BoC).
Matatandaan na biglang naghain ng kanyang resignation letter si Aranas kay Duterte noong July 2 base sa kumpirmasyon ni Executive Secretary Salvador Medialdea na agad namang tinanggap ng Pangulo.
Nakapaloob sa resignatiom letter ni Aranas na ginagampanan niya nang maayos ang kanyang trabaho at walang nilabag na anumang batas at hindi isinusuko ang kanyang dignidad.
Walang ibinigay na dahilan ang Palasyo sa pagbitiw ni Aranas.
164