(NI AMIHAN SABILLO)
HINDI nawalan ng tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang binigyang diin ni DILG Sec. Eduardo Año sa isang phone interview sa mga mamahayag sa Camp Crame nitong Biyernes kaugnay ng hindi parin pagtatalaga ng Pangulo ng permanenteng PNP Chief.
Ayon kay Año, nahihirapan ang Pangulo na pumili mula sa tatlong nangungunang kandidato na malapit sa kanya at gustong pag-aralang mabuti ang kakayahan ng mga kandidato.
Aminado naman si Año na ‘disappointed’ ang Pangulo sa nangyaring isyu sa ninja cops.
Kaya nais lang aniya ng Pangulo na masiguro na magiging seryoso sa kampanya kontra sa illegal na droga ang kanyang mapili.
Sinabi ni Año na binigyang diin ng Pangulo sa kanilang huling command conference, kasama ang mga opisyal ng PNP, na nais lang niyang masiguro na matapos ang kampanya kontra sa illegal na droga sa loob ng kanyang termino.
Dagdag ni Año, nauunawaan din naman ng mga opisyal ng PNP ang posisyon ng Pangulo.
153