DUTERTE: POLITIKONG PASAWAY SA CHECKPOINT, PATAYIN!

checkpoint1

MAHIGPIT na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulis at militar na paigtingin ang pagpapatupad ng checkpoint matapos paslangin ang kanyang kaalyadong si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Sinabi ng Pangulo na patayin ang sinumang tatangging isailalim sila sa inspeksiyon sa mga checkpoint higit ang mga politikong hindi tumutupad sa batas.

“Kung may bitbit kayong baril at dumaan sa checkpoint tapos ayaw huminto dahil kasama ang gobernador o mayor, ang utos ko sa pulis at military, barilin nila. Tingnan natin,” galit na pahayag ng Pangulo nang bisitahin ang lamay ni Batocabe.

Kahit na governor o mayor, kung may checkpoint at tumangging huminto ay maaari umanong barilin, base sa kautusan ng Pangulo.

“Wala na tayong arte human rights, human rights,” dagdag pa nito.

“Iniuutos ko sa buong Armed Forces dito (Daraga) na panatilihin ang kaayusan.”

Ipinangako rin ng Pangulo sa pamilya Batocabe na tututukan niya ang kaso at hindi papayag na hindi malulutas ang kaso.

152

Related posts

Leave a Comment