ELECTRIC COOPS PUMALAG SA NARANASANG BROWNOUT

brownout12

(NI MAC CABREROS)

HINDI dapat sisihin ang mga electric cooperatives sa nararanasang rotational brownout sa bansa lalo na sa Luzon.

Sa mensaheng ipinadala sa Saksi Ngayon, inihayag ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PHILRECA), na wala silang kasalanan sa nangyayaring brownout dahil wala umano silang kontrol sa sitwasyon.

“We would like to clarify that respective electric cooperatives have no control or liability on the situation,” pahayag ng PHILRECA.

Itinuro ng grupo ang ‘sisi’ sa National Grid Corporation of the Philippines dahil sila ang direktang may hawak sa supply ng kuryente.

Binanggit ng grupo na anumang load ang papasok sa kanila ay siya lamang ang kanilang ibibigay sa konsyumer.

Naunang binalot ng dilim ang ilang bahagi ng Metro Manila at karatig-lalawigan nitong nagdaang mga araw bunsod ng manual load dropping na  pinairal ng NGCP bunga na rin ng pagnipis ng produksiyon sanhi ng pagpalya ng ilang power plants.

Bagama’t ganito ang nangyari, humingi ang grupo ng paumanhin at pang-unawa ng publiko sa hindi inaasahang pagkawala ng kuryente.

Nakatakdang simulan naman ng Department of Energy (DoE) ang imbestigasyon kung nagkaroon ng sabwatan ang industry players para palabasing may aritificial shortage.

Laking pasakit sa publiko ang brownout dahil bukod sa lugi sa bentang produkto lalo ang frozen goods o nangangailangan ng lamig o yelo gayundin na mataas ang singil sa kuryente kapag manipis ang supply ng kuryente bunga ng pagsirit pataas ang presyo sa merkado.

 

261

Related posts

Leave a Comment