CODING SCHEME NG MMDA SUSPENDIDO HANGGANG APRIL 22 

MMDA ILLEGAL PARKING

(NI ROSE PULGAR)

SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila bunsod ng paggunita ng Semana Santa.

Sa abiso nitong Lunes ng MMDA, simula sa Miyerkoles Santo (Abril 17) hanggang sa Lunes (Abril 22) ay suspendido ang UVVRP o number coding.

Ayon sa MMDA, ang suspension ng number coding ay upang tiyakin na may sapat na public utility vehicles na makakapagserbisyo sa maraming mananakay na magtutungo sa kanilang mga probinsiya.

Balik uli ang pagpapatupad ng number coding sa Martes, Abril 23.

210

Related posts

Leave a Comment