ESTUDYANTENG NAWAWALA NIRE-RECRUIT NG REBELDE? 

bato100

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD)

KINALAMPAG ng ilang senador ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para mahanap ang ilang mga estudyanteng nawawala na pinaniniwalaang na-recruit ng makakaliwang grupo.

Ayon kina Senador Ronald Dela Rosa at Senador Francis Tolentino, dapat na kumilos ang mga government agencies para tumulong na mabawi ang mga kababaihang menor de edad na patuloy na hinahanap ng kanilang mga pamilya.

“Pakilusin natin ang intelligence community ng AFP para ma-locate ang mga bata na ‘yan. AFP at PNP, at ‘yun namang mga recruiter kasuhan kapag lumabas ang warrant nu’n talagang ipa-locate natin sa kanila, kunan natin ng information kung nasaan ang mga bata na ni-recruit nila,” sabi ni Dela Rosa.

Handa aniya itong maging bahagi ng pagbawi sa mga nasabing kabataan sa kamay ng mga makakaliwang grupo upang maibalik sa kanilang mga magulang.

“Yes, hopefully not for any  reason, not for anything, only for humanitarian consideration, tulungan natin na mabawasan ang paghihinagpis ng mga parents na nag-aalala sa kanilang mga anak, tao rin naman sila, siguro maramdaman nila ‘yun,” aniya pa.

Sinabi naman ni Tolentino na dapat kumilos ang pamahalaan at mahigpit na bantayan ang ginagawang pag-recruit sa mga estudyante ng mga organisasyon na may kaugnayan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa ginanap na Senate Committee hearing ng Public Order and Dangerous Drugs with National Defense and Security, naging emosyunal ang mga magulang ng limang babaeng estudyante na pawang na-recruit ang kanilang mga anak ng grupo ng Anakbayan, League of Filipino Students (LFS) at Gabriela.

Ang mga nasabing mag-aaral ay pawang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), Far Eastern University (FEU) at University of the East (UE) na sinasabing hindi na umuwi ng kanilang bahay matapos ang makumbinse umanong umanib sa makakaliwang grupo.

“Kailangan nating paigtingin ang seguridad maging sa mga paaralan at unibersidad upang matiyak na ang mga kabataan ay nasusubaybayan nang mabuti lalo na sa mga pagkakataong hindi sila nakikita ng kanilang mga magulang,” sabi ni Tolentino.

162

Related posts

Leave a Comment