(NI BETH JULIAN)
MAY bago nang secretary ang Department of Budget and Management (DBM).
Ito ay matapos italaga sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Wendel Avisado, na dating administrator ng Davao City noong panahon ng Pangulo.
Taong 2004 hanggang 2010 nanungkulan si Avisado bilang admininstrator ng Davao City.
Lunes ng hapon nang manumpa si Avisado sa Pangulo kasama ang iba pang mga bagong talaga sa posisyon sa pamahalaan.
156