FAELDON KAMPANTE SA NEGATIVE RESULT NG ANAK

faeldon bucor

KAMPANTE at inaasahan na ni Bureau of Corrections (BuCor) Director-General Nicanor Faeldon na lalabas na negatibo sa paggamit ng droga ang inarestong anak na si Faeldon Jr matapos mahuli sa drug raid sa Naga City.

Hindi na umano nagtataka si Faeldon kung maging negatibo sa droga ang anak dahil ni manigarilyo umano ay hindi bisyo ng batang Faeldon. Sa kabila nito, nanindigan ang BuCor chief na hindi siya makikialam sa galaw ng imbestigasyon at hahayaang gumulong ang hustisya.

Si Faeldon Jr. kasama ang iba pa ay inaresto sa loob ng bahay ng tatay ng kanyang girlfriend. Sinabi sa report na target ng drug raid ang tatay ng gf ni Faeldon at nagkataong doon din nakatira ang anak ng BuCor chief.

 

7

Related posts

Leave a Comment