IKALAWANG BOL PLEBISCITE TULOY SA PEBRERO  6

bol500

(NI JG TUMBADO)

WALANG nakikitang dahilan si Defense Secretary Delfin Lorenzana para irekomenda ang suspensyon ng ikalawang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Pebrero 6.

Diin ng kalihim, malayo sa pinangyarihan ng terorismo ang pagdarausan ng plebesito at wala silang inaasahan na mayruong mananabotahe o kaguluhan sa nasabing aktibidad.

Ikinasa nang idaos ang plebesito sa Lanao del Norte, maliban sa Iligan City; mga munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit at Pigkawayan sa North Cotabato at sa 28 barangay.

“Mukhang wala namang nakikitang kaguluhan diyan, in connection with the BOL plebiscite pati na yung 67 barangays sa North Cotabato, ah we don’t see any problem there,” ani Lorenzana.

Binigyang-diin pa ng kalihim na nagpapatuloy na rin ang pagtutugis ng Armed Forces of the Philippines sa mga elemento ng Abu Sayyaf Group (ASG).

“Wala naman sigurong connection sa BOL, ang isang reason na binigay sa atin ng military sa Sulu ay continuous ang operation sa kabundukan ng Jolo at na-cocorner natin yung mga Abu Sayyaf doon, it could be a diversionary tactics,”dagdag ng kalihim.

Ipinunto rin ni Lorenzana na maliit lamang ang masasakop ng ikalawang plebesito kung kaya’t matitiyak ang seguridad ng mga boboto.

Nagpakalat ang AFP ng mahigit 10,000 mga sundalo bukod pa sa puwersa ng Philippine National Police sa mga lugar na pagdarausan ng plebisito.

144

Related posts

Leave a Comment