(NI BERNARD TAGUINOD)
UPANG maparami ang mga punong kahoy sa buong bansa na panlaban sa climate change, pagtatanimin ng isang puno ang lahat ng mga graduating students mula elementarya hanggang kolehiyo.
Inaasahan na pagbalik ng Kongreso sa kanilang trabaho sa Enero 14, 2019 ay pagtitibayin na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8728 o “Graduation Legacy for Environment Act”.
Nakapasa na sa ikalawang pagbasa ang nasabing panukala sa Kamara bago nagbakasyon ang mga mambabatas noong Disyembre at nakalinya na ito para sa ikatllo at huling pagbasa sa Enero.
Sa ilalim ng panukala, lahat ng mga magtatapos sa elementarya, high shcool at kolehiyo ay pagtatanimin ng isang puno na isa sa mga requirement bago ang kanilang graduation.
Itatanim ang mga punong ito sa mga kagubatan, mangrove at protected areas, mga lupang katutubo, civil at military reservations, mga kabundukan na iniwan ng mga mining compnies
Sa mga siyudad, maglalaan ang Local Government Units (LGUs) ng lugar na pagtataniman ng puno sa kanilang nasasakupang lugar.
236